Pangulong Tsino, nakiramay sa mga Pilipinong nabiktima ni "Vinta"

2017-12-26 18:32:21 CRI

Ipinadala kahapon, Lunes, ika-25 ng Disyembre 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensahe kay Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng malaking kasuwalti at kapinsalaan ng ari-arian, na dulot ng bagyong "Vinta" sa Pilipinas.

Sa kanyang ngalan, pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni G. Xi ang pakikiramay sa mga apektadong mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ni G. Duterte.

Ipinakita rin ni Xi ang malasakit sa mga mamamayang Pilipino, na nahihirapan sa kalamidad at nawalan ng tahanan. Nakahanda aniya ang panig Tsino, na ipagkaloob ang tulong sa mga apektadong lugar.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino