Delegasyon ng CPC, dumalaw sa Kambodya

2017-12-26 18:31:44 CRI

Mula ika-23 hanggang ika-26 ng Disyembre 2017, dumalaw sa Kambodya ang delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pinamumunuan ni Wang Weiguang, Puno ng Chinese Academy of Social Sciences.

Kinatagpo ang delegasyon ng mga lider ng Cambodia People's Party at Funcinpec Party. Isinalaysay rin ng delegasyon sa iba't ibang sirkulo ng Myanmar ang kalagayan ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, na idinaos noong nagdaang Oktubre ng taong ito.

Binigyan ng panig Kambodyano ng mataas na pagtasa ang katuturan ng naturang kongreso. Ipinahayag din nila ang kahandaang palalimin, kasama ng Tsina, ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino