Relasyong Sino-ASEAN, sumulong sa yugto ng kahinugan sa 2017

2017-12-29 16:13:05 CRI

Sa panayam kamakailan sa China Radio International, binigyan ng mataas na pagtasa ng mga ekspertong Tsino ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa taong ito. Anila, sa loob ng taong ito, ang relasyong Sino-ASEAN ay sumulong sa yugto ng kahinugan.

Sinabi ni Zhang Xuegang, Pangalawang Puno ng Institute of South Asia, Southeast Asia and Oceania Studies ng China Institute of Contemporary International Relations, na sa taong ito, madalas ang pagdadalawan ng mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN sa isa't isa. Halimbawa aniya, dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam at Laos, at dumalo sa Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation sa Biyetnam, at dumalaw si Premyer Li Keqiang sa Pilipinas, at dumalo sa serye ng mga summit ng East Asia Cooperation. Sa panig naman ng ASEAN, nakapunta sa Tsina sa loob ng taong ito ang mga lider ng lahat ng 10 bansang ASEAN, para sa pagdalaw o paglahok sa mga pandaigdig na pulong. Ani Zhang, ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina at mga bansang ASEAN sa kani-kanilang bilateral na relasyon, at pagkatig ng Tsina sa nukleong posisyon ng ASEAN sa rehiyonal na kooperasyon.

Ipinalalagay naman ni Xu Liping, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Timog-silangang Asya ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang pagtamo ng breakthrough sa isyu ng South China Sea ay isang tampok sa relasyong Sino-ASEAN sa taong ito. Ani Xu, narating ng Tsina at mga bansang ASEAN ang framework ng Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at ipinatalastas ang pagsisimula ng pagsasanggunian hinggil sa teksto ng COC. Ito aniya ay ibayo pang nagpalakas ng pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig.

Sinabi naman ni Zhai Kun, Propesor ng School of International Studies ng Peking University, na sa ilalim ng pagpapasulong ng "21st Century Maritime Silk Road" sa taong ito, ibayo pang lumakas ang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng Tsina at ASEAN. Ani Zhai, sa taong ito, ang kabuuang bilang ng mga mamamayang Tsino na bumisita sa mga bansang ASEAN at mga mamamayan ng mga bansang ASEAN na bumisita naman sa Tsina ay may pag-asang lalampas sa 38 milyong person time, na naitala noong isang taon. Ito aniya ay makakatulong sa paglalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino