Top 10 SEA news 2017: ASEAN, ipinagdiwang ang ika-50 anibersaryo

2017-12-29 16:29:12 CRI

Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.

Ayon sa ayos na kronolohikal, ang pang-anim na balita ay may kinalaman sa natamong progreso ng talastasan hinggil sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.

Ang Agosto 8, 2017 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Ang seremonya ng pagdiriwang ay idinaos ng mga lider ng ASEAN sa Maynila nang araw rin iyon. Ipinalabas din nila ang Magkakasanib na Pahayag, at ayon sa nasabing pahayag, ang ika-50 anibersaryo ay makasaysayang panahong nagpapakita ng tagumpay ng konstruksyon ng ASEAN Community. Naniniwala ang mga kasaping bansa ng ASEAN na bilang isang komunidad, may kakayahan itong mabisang tugunan ang mga hamon sa hinaharap, batay sa mga natamong tagumpay.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino