Top 10 SEA news 2017: Mga anak ng dating punong ministro ng Singapore, isinapubliko ang alitan ng pamilya

2017-12-29 16:17:03 CRI

Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.

Ayon sa ayos na kronolohikal, ang pangatlong balita ay may kinalaman sa pagsapubliko ng mga anak ni Lee Kuan Yew, dating punong ministro ng Singapore ng alitan sa pamilya.

Noong Hunyo 14, 2017, inilabas nina Lee Wei Ling at Lee Hsien Yang, dalawang anak ni Lee Kuan Yew ang magkasanib na pahayag bilang pagbatikos sa paraan ng paghawak ni Lee Hsien Loong, kasalukuyang Punong Ministro ng bansa, sa dating tirahan ng kanilang ama. Ayon sa pahayag, labag sa huling testamento ni Lee Kuan Yew ang ginawa ni Lee Hsien Loong. Noong Hunyo 19, humingi si Lee Hsien Loong ng paumanhin sa mga mamamayan dahil sa nasabing isyu. Nanawagan naman ang mga media ng Singapore sa mga anak ni Lee Kuan Yew na maayos na hawakan ang isyu, gamit ang kanilang talino para mapanumbalik ng mga mamamayan ang tiwala sa sistema ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino