Ikalawang generating unit ng Lower Sesan 2 Hydropower Project ng Kambodya, nagsimulang tumakbo

2018-01-02 16:38:46 CRI

Nagsimulang tumakbo kamakalawa, Linggo, ika-31 ng Disyembre 2017, ang ikalawang generating unit ng Lower Sesan 2 Hydropower Project ng Kambodya.

Ang hydropower station na ito na may 8 generating unit ay isang pangunahing proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Kambodya sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Apatnaraang (400) libong kilowatt ang kabuuang installed capacity, at ang bilang na ito ay lumampas sa 20% ng installed capacity sa buong Kambodya. Pagkaraang tumakbo ang lahat ng 8 generating unit ng power station, makakaabot sa halos 2 bilyong kilowatt hour ang taunang ipoprodyus nitong koryente.

Ang pangunahing bahagi ng power station na ito ay itinayo ng Tsina. Sinimulan noong Oktubre 2013 ang konstruksyon, at tinatayang matatapos sa loob ng taong 2018. Pagkatapos, ililipat ang power station sa panig Kambodyano.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino