Kooperasyon ng Tsina at Laos sa Ilog Lancang-Mekong, pinapahigpit

2018-01-03 10:29:49 CRI

Vientiane, Laos-Nilagdaan Enero 2, 2018 ng Tsina at Laos ang kasunduan hinggil sa mga proyektong pangkooperasyon sa Laos, batay sa balangkas ng pagtutulungan sa Ilog Lancang-Mekong ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Khamphao Ernthavanh ng Laos, na ito ay hindi lamang makakatulong sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan ng Laos, kundi ibayo pang magpapahigpit sa mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Laos ang pag-asang mapapahigpit ang pakikipagtulungan sa Laos, para totohanang tupdin ang planong pangkooperayon ng dalawang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino