Biyetnam, magsisikap upang maisakatuparan ang 6.7% na paglaki ng kabuhayan

2018-01-03 10:34:07

Ipinahayag kamakailan ng pamahalaang Biyetnames na magsisikap ito upang maisakatuparan ang target na 6.7% na Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.

Pinagtibay noong nagdaang Nobyembre, 2017, ng Kongresong Biyetnames ang resolusyon kung saan itinakda sa 6.5% hanggang 6.7% ang target na paglaki ng GDP sa taong 2018. Ayon sa datos na inilabas ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Biyetnam, noong isang taon, tinatayang lumaki ng 6.81% ang GDP ng bansang ito.

Ayon naman sa pinakahuling ulat na inilabas ng World Bank (WB) tungkol sa kabuhayang Biyetnames, ang malakas na pangangailangang panloob ng bansa, malakas na pagluluwas, at unti-unting umaahong agrikultura ay nagiging pangunahing puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng pambansang kabuhayan ng bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino