Linya ng tren mula sentrong panlunsod ng Jakarta papuntang paliparang pandaigdig ng Indonesia, naisaoperasyon

2018-01-03 10:48:55

Pinasimulan nitong Martes, Enero 2, 2018, ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang pagsasaoperasyon ng linya ng tren mula sentrong panlunsod ng Jakarta papuntang Soekarno-Hatta Airport ng bansang ito.

Ayon sa opisyal na ahensya ng pagbabalita ng Indonesia, kasama ni Joko Widodo ng sumubok-sakay sa tren sina Wiranto, Ministro ng Pagkoordina sa Pulitika, Batas, at Suliraning Panseguridad; Budi Karya Sumadi, Ministro ng Komunikasyon; Rini Soemarno, Ministro ng mga Kompanyang Ari ng Estado; at iba pa.

Umaasa ang pamahalaang Indones na sa pamamagitan ng naturang tren, mapapahupa ang masikip na trapiko sa Jakarta.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino