Xu Ningning: palakasin ang kooperasyon ng mga chamber of commerce ng Tsina at mga bansang ASEAN

2018-01-03 16:31:28 CRI

Sa panayam kamakailan sa China Radio International, ipinahayag ni Xu Ningning, Executive Secretary-General ng China-ASEAN Business Association, na dapat palakasin ang kooperasyon ng mga chamber of commerce ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para patingkarin ang kanilang papel sa pagpapasigla ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.

Sinabi ni Xu, na maraming chamber of commerce sa Tsina at mga bansang ASEAN. Kumakatawan aniya ang mga ito sa iba't ibang industriya, at nagiging tulay sa pagitan ng iba't ibang bansa. Pero, hindi pa malakas ang kooperasyon ng mga chamber of commerce ng Tsina at mga bansang ASEAN, at kulang sila sa pagpapalitan ng mga impormasyon, dagdag ni Xu.

Iminungkahi niyang, buuin ang mekanismo ng kooperasyon ng mga chamber of commerce ng Tsina at mga bansang ASEAN, at itakda ang mga planong pangkooperasyon. Ipinalalagay din niyang kailangang ibayo pang makipagkoordina ang mga chamber of commerce sa kani-kanilang pamahalaan, para sa pagpapasulong ng mga proyektong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino