Bagong pangkalahatang kalihim ng ASEAN, itinalaga

2018-01-10 16:04:35 CRI

Jakarta, Indonesia--Idinaos kamakailan ang seremonya ng paglilipat ng tungkulin ng pangkalahatang kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Itinalaga si Lim Jock Ho na taga-Brunei Darussalam sa nasabing puwesto, kapalit ni Le Luong Minh.

Lumahok sa nasabing seremonya si Retno L. P. Marsudi, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indonesia, kasama ng sugong dayuhang ng ASEAN at mga partner ng ASEAN. Si Jiang Qin, chargé d'affaires ng Misyong Tsino sa ASEAN ay kumatawan sa Tsina sa paglahok sa nasabing seremonya.

Si Lim Jock Ho habang nagtatalumpati sa seremonya ng paglilipat ng tungkulin

Si Retno (gitna), kasama nina Lim (kanan) at Le (kaliwa) sa seremonya ng paglilipat ng tungkulin

Si Ginang Jiang Qin, chargé d'affaires ng Misyong Tsino sa ASEAN sa seremonya ng paglilipat ng tungkulin

Pagkaraan nito, dumalo ang mga diplomata sa pasinaya ng konstruksyon ng bagong gusali ng ASEAN Secretariat.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino