2018 ASEAN Tourism Forum, binuksan sa Chiang Mai, Thailand

2018-01-25 15:08:14 CRI

Chiang Mai, Thailand—Idinaos dito Miyerkules ng gabi, Enero 24, 2018 ang seremonya ng pagbubukas ng 2018 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Tourism Forum. Kalahok dito ang mahigit 1,200 opisyal ng mga departamentong panturismo, kinatawan ng mga organong panturismo, at kintawan ng sirkulo ng turismo mula sa iba't ibang bansang ASEAN at mga bansang pangkaibigan nito.

Sa panahon ng nasabing 5-araw na porum, magpupulong ang mga organisasyong panturismo ng mga bansang ASEAN, magpupulong ang mga ministro ng turismo ng ASEAN, magdaraos ng promosyon sa turismo ng ASEAN, magdaraos ng malalaking peryang pantursimo at iba pa.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Weerasak Kowsurat, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, na nitong nakalipas na 10 taon, nagkaroon ng napakalaking pag-unlad ang kabuhayan ng mga bansang ASEAN, dahil sa malaking digri na pag-unlad ng turismo sa kani-kanilang bansa. Nakumpleto na rin aniya ang mga kinauukulang imprastruktura sa maraming second-tier tourism city ng bansa na nakalinga sa proseso ng pagpapa-unlad ng turismo.

Ang ASEAN Tourism Forum ay pinakamalaking balangkas ng kooperasyong panturismo sa rehiyon ng ASEAN. Halinhinang idinaraos ito sa 10 bansang ASEAN kada taon. Ang kasalukuyang porum ay ika-6 beses nang pagtataguyod ng Thailand ng porum na ito. Layon ng pagdaraos ng porum sa Chiang Mai na koordinahin ang mga patakaran at hakbangin sa pagpapalaganap ng paglalakbay sa mga second-tier tourism destination.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino