ASEAN, isusulong ang kakayahang kompetitibo sa turismo

2018-01-29 15:14:11

Chiang Mai - Ipininid kamakailan ang 2018 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Tourism Forum. Ipinahayag ni Weerasak Kowsurat, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, na nagkasundo na ang mga ministro ng turismo ng sampung (10) bansang ASEAN tungkol sa aktibong pagpapasulong ng kakayahang kompetitibo ng ASEAN bilang isang nagkakaisang destinasyong panturista.

Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga ministro ng turismo ng ASEAN na dapat palakasin ang koneksyon ng industriyang panturista ng mga bansang ASEAN, pataasin ang lebel ng pagpapalitan at pagtutulungan sa industriyang panturista, at dapat ding palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura.

Inimbitahan din ng nasabing porum ang limang (5) dialogue partners na kinabibilangan ng Tsina.

Naitatag noong 1981, ang ASEAN Tourism Forum ay nagsisilbing pinakamalaking balangkas ng kooperasyong panturista sa ASEAN.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino