ASEAN, lubos na pinahahalagahan ang papel ng Tsina sa rehiyon

2018-01-30 16:30:01 CRI

Noong ika-29 ng Enero, 2018, sa Jakarta, Indonesia, ipinahayag ni Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na lubos na pinahahalagahan ng ASEAN ang papel ng Tsina sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan, at pagpapasulong ng pag-unlad at kasaganaan ng rehiyon.

Nang araw ring iyon, tinanggap ni Lim ang Credentials ni Huang Xilian, bagong Embahador ng Tsina sa ASEAN. Ipinahayag ni Lim na kasama ng Tsina, nakahanda itong magsikap, patuloy na palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, pahigpitin ang pag-uugnay ng mga estratehiya, palalimin ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan, at pasulungin ang malusog na pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino