Cruise liner mula Hainan patungong Biyetnam at Pilipinas, padadalasin

2018-01-31 14:11:20 CRI

Martes, Enero 30, 2018, ipinatalastas ng Star Cruises na bubuksan ng SuperStar Gemini ang dalawang linya sa pagitan ng Haikou at Manila, at ng Sanya at Biyetnam. Sa gayo'y may tatlong cruise liner ng Lalawigang Hainan ng Tsina ang isasaoperasyon sa pan South China Sea line sa kasalukuyang taglamig.

Mula ika-16 ng Pebrero hanggang ika-27 ng Marso, isasaoperasyon ng SuperStar Gemini ang mga linyang gaya ng 6-araw at 5-gabi na biyahe mula Sanya, may hinto sa Ho Chi Minh City at Vung Tau City, patugong Nha Trang, at 6-araw at 5-gabi na biyahe ng mula Haikou patungong Subic Bay, at hihinto sa Manila.

Pagpasok ng taglamig, sumigla ang pamilihan ng cruise tour sa Hainan. Sa panahon ng nalalapit na Spring Festival, bukod sa SuperStar Gemini, isasaoperasyon ng MSC Splendida at Chinese Taishan ang mga linya mula Haikou at Sanya patungong Biyetnam at Pilipinas.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino