Proyekto ng paglaban sa karalitaan ng Myanmar, inilunsad sa pagtataguyod ng Tsina

2018-02-02 18:51:20 CRI

Nay Pyi Taw, Myanmar—Sa Aye Chan Thar, isang nayong malapit sa Nay Pyi Taw, mainit na sinalubong, Huwebes, Pebrero 1, 2018, ng mga taga-nayon ang mga panauhin mula sa Tsina at Myanmar. Kalahok sila sa pasinaya ng proyekto-subok ng paglaban sa karalitaan, sa pagtataguyod ng pamahalaang Tsino. Ang Aye Chan Thar ay isa sa mga nayong makikinabang sa proyektong ito.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, sa darating na tatlong taon, inaasahang mapapabuti ang imprastruktura sa nasabing nayon ng Myanmar na gaya ng lansangan, at pasilidad ng maiinom na tubig. Kasabay nito, babaguhin din ang klinik at paaralan. Bukod dito, tutulungan din ang mga taga-nayon sa pagpapaunlad ng industriya para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad.

Sinabi ni Khant Zaw, Direktor sa Pag-unlad ng Kanayunan ng Ministri ng Agrikultura, Paghahayupan at Irigasyon ng Myanmar, na ang nasabing proyekto ay may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga magsasakang taga-Myanmar, at kailangang-kailangan ng kanyang bansa ang katulad na komprehensibong proyekto.

Inilunsad ang proyekto bilang pagtupad sa mungkahi ng Tsina sa pagpapasulong ng pagtutulungan sa paglaban sa kahirapan, sa Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10 3), na idinaos sa Nay Pyi Taw, noong 2014. Sa nasabing summit, ipinangako ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na magkakaloob ang Tsina ng 100 milyong yuan RMB (mga 17 milyong dolyares) para tulungan ang Myanmar, Laos at Cambodia sa pagtugon sa suliranin ng karalitaan.

Sina Hong Liang (ika-2 sa kaliwa), Embahador ng Tsina sa Myanmar at Aung Thu (ika-2 sa kanan), Ministro ng Agrikultura, Paghahayupan, at Irigasyon ng Myanmar, sa pasinaya ng proyekto-subok ng paglaban sa kahirapan, sa Nay Pyi Taw, Myanmar, Pebrero 1, 2018. (CRI)

Pasinaya ng proyekto sa Aye Chan Thar, isang nayong malapit sa Nay Pyi Taw, Pebrero 1, 2018. (CRI)

Larawan ng mga opisyales sa pagpapatupad ng proyekto, kasama ng mga taga-nayon ng Aye Chan Thar, Pebrero 1, 2018. (CRI)

Pagtatanghal ng mga taga-nayon ng Aye Chan Thar bilang pagsalubong sa mga panauhin ng Tsina at Myanmar, Pebrero 1, 2018. (CRI)

Nagtitipun-tipon ang mga taga nayon ng Aye Chan Thar para malaman ang hinggil sa proyekto ng pagtugon sa kahirapan, Pebrero 1, 2018. (CRI)

Ang mga tauhang Tsino na namamahala sa pagpapatupad ng proyekto habang naglalakbay-suri sa Paaralang Elementarya ng Aye Chan Thar, Pebrero 1, 2018. (CRI)

 

Larawan ng dormitoryo ng mga gurong lalaki at dormitoryo ng mga gurong babae ng Paaralang Elementarya ng Aye Chan Thar, Pebrero 1, 2018. (CRI)

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino