Unang Pestibal ng mga Pagkaing Tsino, binuksan sa Yangon, Myanmar

2018-02-03 17:29:46 CRI

Binuksan kahapon, Biyernes, ika-2 ng Pebrero 2018, sa Yangon, Myanmar, ang unang Pestibal ng mga Pagkaing Tsino.

Sa pagtataguyod ng ASEAN China Centre (ACC) at Beijing People's Association for Friendship with Foreign Countries, tatagal ng 15 araw ang pestibal na ito. Matitikman ng mga bisita sa Park Royal Hotel Yangon ang mga masarap na pagkaing Tsino na lulutuin ng mga sikat na kusinerong Tsino. Kabilang dito ay mga putahe para sa bangketeng pang-estado, at Beijing Roasted Duck.

Sa seremonya ng pagbubukas ng pestibal, sinabi ni Sein Win Aung, Puno ng Samahan ng Myanmar sa Pagkakaibigan sa Tsina, na ito ay isang magandang aktibidad ng pagpapalitang pangkultura ng Myanmar at Tsina, sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Ayon naman kay Sun Jianhua, Pangalawang Puno ng Departamento ng Edukasyon, Kultura, at Turismo ng ACC, sa loob ng taong ito, idaraos din sa Beijing ang pestibal ng mga pagkain ng Myanmar.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino