Bagong Embahador ng Tsina sa ASEAN: patuloy na pasulungin ang relasyon at kooperasyong Sino-ASEAN

2018-02-06 16:03:52 CRI

Ipinalabas kamakailan ni Huang Xilian, bagong Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang artikulo sa pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore.

Pahayag ni Huang, na lubos ang kasiyahan ng Tsina sa nakikitang pag-unlad ng ASEAN, at nananalig itong ipagpatuloy ng ASEAN ang himala sa pag-unlad.

Dagdag ni Huang, sa mula't mula pa'y itinuturing ng Tsina ang ASEAN bilang priyoridad ng diplomasya sa nakapaligid na rehiyon, at pangunahing katuwang sa kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Nagsisikap din aniya ang Tsina, para itatag ang mas mahigpit na "community of shared future" ng dalawang panig.

Sinabi ni Huang, na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ng estratehikong partnership, at nagkakaroon ang dalawang panig ng mas maraming pagkakataon at mas malawak na espasyo para sa kooperasyon.

Ayon kay Huang, noong Nobyembre ng 2017, sa dialogue meeting ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation at ASEAN, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na itatag ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa mas mataas na antas. Noong buwan ding iyon, sa Summit ng ASEAN at Tsina, iniharap din ni Premyer Li Keqiang, na buuin ang "3 plus X" na bagong balangkas na pangkooperasyon ng dalawang panig. Nananalig si Huang na, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng naturang mga mungkahi, magiging mas masigla at masagana ang kooperasyong Sino-ASEAN.

Ipinahayag din ni Huang, na dapat patuloy na palakasin ng Tsina at ASEAN ang pagtitiwalaan sa pulitika at seguridad, pasulungin ang pag-uugnayan ng kani-kanilang mga estratehiyang pangkaunlaran, pahigpitin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pataasin ang lebel ng pagpapalitan ng mga mamamayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino