ASEAN Foreign Ministers' Retreat, ipininid sa Singapore

2018-02-07 12:03:14 CRI

Martes, Pebrero 6, 2018, ipininid sa Singapore ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Foreign Ministers' Retreat. Sa nasabing tatlong araw na pulong, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok na ministrong panlabas hinggil sa kalagayang panrehiyon at pandaigdig.

Nang araw ring iyon, nagpalabas ng pahayag si Dr. Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore, na nagsasabing tinalakay ng mga ministro ng iba't ibang bansang ASEAN ang direksyon ng konstruksyon ng ASEAN Community, at pagpapalakas ng relasyong panlabas ng ASEAN. Buong pagkakaisang ipinalalagay aniya nilang kailangang ibayo pang palakasin ang resilience o katatagan ng mga bansang ASEAN sa aspekto ng pinansya at macro-economy, at palalimin ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng ASEAN at mga partner sa labas nito.

Nabanggit ng nasabing pahayag na batid ng iba't ibang bansang ASEAN ang kahalagahan ng paggarantiya sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng South China Sea.

Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok sa mga paksang gaya ng terorismo, cyber threats, transnasyonal na krimen at iba pa. Tinalakay din nila ang kalagayan ng Gitnang Silangan at Korean Peninsula.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino