Tsunami pre-warning center, sa South China Sea, Sulu Sea, at Sulawesi Sea, tumatakbo na

2018-02-08 16:20:27 CRI

Sa pagtataguyod ng Pambansang Administrasyong Pandagat ng Tsina, sinimulan ngayong araw, Huwebes, ika-8 ng Pebrero 2018, sa Beijing, ang pagtakbo ng isang tsunami pre-warning center. Ang serbisyo nito ay sumasaklaw sa South China Sea, Sulu Sea, at Sulawesi Sea.

Ayon sa salaysay, mailalabas ng sentrong ito ang tsunami pre-warning, 8 hanggang 10 minuto pagkaraan ng lindol. Noong dati, umaabot sa 20 hanggang 30 minuto, bago mailabas ang babalang ito.

Ang pagtatatag ng sentrong ito ay inaprobahan noong ika-26 ng nagdaang Enero ng Intergovernmental Oceanographic Commission ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization.

Maglilingkod ito sa mga bansang nakapaligid sa naturang mga karagatan, na gaya ng Tsina, Pilipinas, Brunei, Kambodya, Indonesya, Malaysia, Singapore, Thailand, at Biyetnam.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino