Resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year, idinaos ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas

2018-02-09 17:14:26 CRI

Idinaos ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, ika-8 ng Pebrero, 2018, sa Manila ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year. Dumalo sa resepsyon sina Gloria Macapagal Arroyo, dating pangulo ng Pilipinas, Salvador Medialdea, Executive Secretary ng Pilipinas, Enrique Manalo, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Pilipinas. Lumahok din na pagtitipon ang mga tauhan mula sa iba't ibang sirkulo ng Manila, mga kinatawan ng overseas and ethnic Chinese at mga estudyanteng Tsino sa Pilipinas.

 Dumalo sa resepsyon sina Gloria Macapagal Arroyo, dating pangulo ng Pilipinas, Salvador Medialdea, Executive Secretary ng Pilipinas, Enrique Manalo, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Tan Qingsheng, Charge d'affaires ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na ang relasyon ng Tsina at Pilipinas ay pumasok na sa bagong "Ginintuang Panahon," sa ilalim ng pagpapahalaga ng mga lider at magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya, matatag at malayo na ang pag-unlad na narating ng Tsina at Pilipinas, at maganda ang hinaharap ng relasyon ng dalawang bansa. Ang taong 2017 ay makabuluhan para sa Tsina, dahil natamo ang mahalagang progreso sa pakikipagrelasyon nila ng Pilipinas, dagdag niya. Ang madalas aniyang pagpapalitan ng mga lider ng dalawang bansa ay nagkakaloob ng matatag na patnubay at malakas na tagapagpasulong na puwersa para sa relasyong Sino-Pilipinas.

Sinabi rin ni Tan na bilang mahalagang partner, aktibong isinusulong ng Tsina ng pag-uugnay ng mga estratehiya ng dalawang bansa, at aktuwal na kumakatig sa pag-unlad ng kabuhayan at katatagan ng lipunan ng Pilipinas. Sinabi pa niyang ang pag-unlad ng Tsina ay tiyak na magdudulot ng mas maraming magandang pagkakataon para sa Pilipinas, at ang pag-unlad ng nasabing relasyon ay magbibigay din ng benepisyo para sa mga mamamayan ng kapuwa panig. Tatalima aniya ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, mananangan sa bukas na estratehiyang may win-win situation, at patuloy na pasusulungin ang "Belt and Road" initiative. Ipinagdiinan din niyang walang humpay na pasusulungin ng Tsina ang pagtatatag ng "community of shared future for China-ASEAN" para sa kasaganaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon, batay sa patakarang diplomatiko sa mga kapitbansa na inklusibo, may pagkakaibigan, katapatan, at mutuwal na kapakinapangan.

salin:Lele

Larawan: ErnestSissi

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino