Prosesong Pangkapayapaan ng Myanmar, natamo ang bagong progreso

2018-02-14 11:15:13

Prosesong Pangkapayapaan ng Myanmar, natamo ang bagong progreso

Nitong Martes, Pebrero 13, 2018, dalawa pang sandatahang grupo ng pambansang minoriya ang lumagda sa "Pambansang Kasunduan ng Tigil-Putukan" na pinamumunuan ng pamahalaan ng Myanmar. Sa kasalukuyan, umabot na sa 10 sandatahang grupo ng pambansang minoriya ang lumagda sa kasunduang ito. Natamo ng prosesong pangkapayapaan ng Myanmar ang bagong progreso.

Ang nasabing dalawang sandatahang grupo ay New Mon State Party at Lahu Democratic Union na mula sa Mon State sa katimugan ng Myanmar.

Bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar, binibigyan ng malaking pansin ng Tsina ang prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Ipinahayag Martes ni Sun Guoxiang, Espesyal na Sugong Tsino sa mga Suliraning Asyano, na lubos na ikinasisiya ng Tsina ang natamong bunga ng bagong pamahalaan ng Myanmar. Inulit din niya ang pagkatig ng panig Tsino sa prosesong pangkapayapaan ng nasabing bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino