Pilipinas, kinansela ang helicopter purchasing contract sa Kanada

2018-02-14 14:37:28

Ipinalabas nitong Martes, Pebrero 13, 2018, ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas ang isang pahayag kung saan pormal na kinansela ang helicopter deal na naunang nalagdaan nila ng isang kompaya ng Kanada.

Anang pahayag, ang pagbibigay-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang nasabing kasunduan ay resulta ng kapasiyahan ng Kanada na muling suriin ang kasunduang ito.

Ayon sa ulat, ang dahilan ng muling pagsusuri ng Kanada ng nasabing kasunduan ay pagkabahala nitong gagamitin ng panig Pilipino ang helicopter sa kontra rebelde na posibleng lumabag sa karapatang pantao. Naging batayan din ng pamahalaan ng Kanada ang human rights violation kaugnay ng anti-drug campaign ng Pilipinas.

Inulit ng panig Pilipino na gagamitin ang mga helicopter sa paghahatid ng mga tauhan at materyal, at hindi sa mga aksyong militar.

Ayon sa kasunduan, nakatakda sanang bilhin ng Pilipinas ang 16 ba Bell 412EPI cambat utility helicopters sa Canadian Commercial Corporation. Ito ay isang "report order: matapos maisakatuparan ang naunang helicopter deal noong 2014.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino