Tsina, nananatiling pinakamalaking trade partner ng Pilipinas--NEDA

2018-02-22 15:20:41 CRI

Sa isang porum na komersyal, na idinaos kahapon, Miyerkules, ika-21 ng Pebrero 2018, sa Maynila, sinabi ni Ernesto Pernia, Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA), na ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.

Ani Pernia, simula 2010, bumilis ang paglaki ng kalakalang Pilipino-Sino, at noong 2016, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, at nanatili ito noong 2017.

Ayon sa estadistika, noong isang taon, lumaki ng 8.4% ang halaga ng pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina, at ang halos kalahati sa mga iniluwas ay mga produktong elektroniko. Samantala, lumaki ng 8.1% ang halaga ng pag-aangkat ng Pilipinas mula sa Tsina, at karamihan sa mga inangkat ay capital goods, raw materials, at intermediate goods.

Ipinalalagay din ni Pernia, na lalalim pa ang relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina, sa pamamagitan ng binabalangkas na Regional Comprehensive Economic Partnership at isinasagawang pag-u-upgrade ng ASEAN China Free Trade Area. Umaasa rin aniya siyang mas mabilis na lalaki ang pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina, dahil aniya mayroon ding malaking espasyo sa aspektong ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino