Pilipinas, kinondena ang pagtuturing ng Amerika kay Pangulong Duterte bilang banta sa demokrasyang panrehiyon

2018-02-22 15:29:29 CRI

Miyerkules, Pebrero 21, 2018, binatikos ni Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulo ng Pilipinas, ang intelligence community ng Estados Unidos sa di-umano'y pagtuturing nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, bilang "banta" sa demokrasyang panrehiyon.

Inilabas kamakailan ng Tanggapan ng Direktor ng Pambansang Intelihensya ng Amerika ang Worldwide Threat Assessment Report, at nakalakip dito, na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-silangang Asya na may "mahinang domokrasya at karapatang pantao," sanhi ng autocratic tendencies. Itinuring din nito si Pangulong Duterte na "banta" at "hadlang" sa domokrasyong panrehiyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Roque na seryosong tinitingnan ni Duterte ang nasabing ulat. Aniya pa, dahil dito, mahirap para sa Pilipinas na panatilihin ang mapagkaibigang relasyon sa Amerika. Sa isang pahayag ng Malacanang, binigyang-diin nitong hindi autocrat at walang autocratic tendencies si Pangulong Duterte. Anito, maaaring malayang magkober ang mga media ng Pilipinas, normal ang takbo ng hudikatura, at nananatiling may kasarinlan ang organong lehislatibo.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino