Makatotohanan at responsableng pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, isinusulong ng PCOO

2018-02-22 15:43:44

Davao City-“It is important that we focus on the communication aspect on the ground, it can not be just on the television or radio, online which is our website and social media, it can not just be on our print,” ito ang sinabi, Miyerkules, Pebrero 21, 2018 ni Kalihim Martin M. Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa kanyang panayam sa China Radio International (CRI)-Manila Bureau.

Makatotohanan at responsableng pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, isinusulong ng PCOO

Mga opisyal ng PCOO

Mula ika-19 hanggang ika-21, idinaos sa SMX Convention Center sa SM Lanang, Davao City ang unang National Information Convention (NIC) na nilahukan ng mga information officer ng national government agencies at local government units (LGUs) ng Pilipinas, at mga kinatawan ng mga media, akademiya at industriya ng komunikasyon at teknolohiya ng bansa.

Umabot sa halos 1,700 ang kabuuang bilang ng mga kalahok, na taliwas sa inaasahang 1,500.

Makatotohanan at responsableng pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, isinusulong ng PCOO

Kalihim Martin M. Andanar ng Presidential Communications Operation Office (PCOO)

Sinabi ni Andanar na ang NIC ay isang magandang pagkakataon para mapalalim ang pagkaunawa ng mga information officer sa kanilang responsibilidad at gawain, at malaman nila ang mga mapagkukunan at kagamitan na kaloob ng pamahalaan para sa kanila.

Sinabi pa niyang dapat “bumaba sa mga barangay [ang mga information officer] para kausapin ang mga tao, turuan sila ng wastong pamamaraan para maintindihan, at masuri kung alin ang totoong balita, kung ano ang pekeng balita.”

Sa tatlong araw na mga aktibidad ng presentasyon at pagpapalitan, inilahad ng mga mataas na opisyal ng pamahalaan ang kaalaman at kahalagahan ng mga umiiral na programa at patakarang gaya ng "Build Build Build," E-power mo, federalism, nagsasariling patakarang panlabas, at freedom of information.

Bukod dito, ipinakilala ng mga kinatawan ng media, academe at industriya ng komunikasyon at teknolohiya sa mga information officer ang mga kaalaman at teknolohiya hinggil sa pagsasagawa ng responsable at may-puwersang komunikasyon upang hikayatin ang mga mamamayan sa pagtatayo ng bansa.

Samantala, habang idinaraos ang NIC sa Davao, lumala ang hidwaan sa pagitan ng Rappler at Malacanang. Sa isang hearing ng Senado hinggil sa di-umano ay pagkakasangkot ni Kalihim Christopher "Bong" Go sa proyekto ng pagbili ng mga frigate ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng 16 bilyong piso, sinabi ni Go na ang mga ulat ng Rappler ay "fake news" at mali.

Samantala, base sa isang video sa Twitter, makikitang kinukuhanan ng video ng ABS-CBN ang isang sundalo sa labas ng PCOO office habang pinipilit siya ni Pia Ranada ng Rappler na ipaliwanag kung bakit pinagbabawalang pumasok ang huli sa Malacanang Complex.

Sapul nang manungkulan si Rodrigo Roa Duterte bilang Ika-16 na Pangulo ng Pilipinas, mabilis na umunlad ang PCOO at mga government media.

Base sa datos ng PCOO, bago ang katapusan ng taong 2018, ang transmission power ng People's Television ay umabot na sa 120,000 KW.

Makatotohanan at responsableng pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, isinusulong ng PCOO

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino