2018 Spring Festival Reception, ginanap sa Denpasar, Indonesia

2018-02-23 12:30:39 CRI

Denpasar, Indonesia—Idinaos Huwebes, Pebrero 22, 2018 sa Bali Art Center ang 2018 Spring Festival Reception na magkasamang itinaguyod ng Consulate General ng Tsina sa Denpasar at Pamahalaan ng Lalawigang Bali ng Indonesia.

Pinarating ni Chen Wei, Acting Consul General ng Tsina sa Denpasar, ang bating pambagong taon sa mga kasaling panauhin. Aniya, sa kalagayan ng walang humpay na pagkokoordina ng 21st Century Maritime Silk Road Initiative ng Tsina at Global Maritime Axis Strategy ng Indonesia, mabilis na umuunlad ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Si Chen Wei, Acting Consul General ng Tsina sa Denpasar

Dagdag pa ni Chen, sa bagong taon, patuloy na palalalimin ng kanyang konsulado ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga lalawigan ng Indonesia, sa mga larangang gaya ng pulitika, kabuhayan, kalakalan at kultura. Matibay din aniyang pasusulungin ang konstruksyon ng Belt and Road, at pauunlarin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.

Si Dewa Putu Beratha, Direktor ng Kawanihan ng Kultura ng Lalawigang Bali

Pinasalamatan naman ni Dewa Putu Beratha, Direktor ng Kawanihan ng Kultura ng Lalawigang Bali, ang ginawang pagsisikap ng konsuladong Tsino para sa pagpapasulong ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa, at pagpapalitang pangkultura at pansining sa pagitan ng Bali at mga lalawigan at lunsod ng Tsina. Binigyan din niya ng lubos na pagpapahalaga ang mahalagang ambag ng mga ethnic Chinese sa lokalidad sa pag-unlad ng lipunan ng Bali Island.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino