Pagsabog sa Lashio, teroristikong pag-atake--panig opisyal ng Myanmar

2018-02-24 16:46:42 CRI

Inilabas kahapon, Biyernes, ika-23 ng Pebrero 2018, ng National Reconciliation and Peace Centre ng Myanmar, ang pahayag bilang pagkondena sa pagsabog na naganap kamakailan sa Lashio, lunsod sa gawing hilaga ng lalawigang Shan ng bansang ito.

Ang pahayag na ito ay pinirmahan ni Aung San Suu Kyi, Tagapangulo ng naturang sentro at State Counsellor ng Myanmar.

Ayon sa pahayag, ang nabanggit na pagsabog ay isang teroristikong pag-atake, na ginawa ng hindi pa makikilalang organisasyon. Sumabotahe ito sa pagsisikap ng pamahalaan ng Myanmar para sa pambansang rekonsilyasyon. Dagdag pa ng pahayag, sa pamamagitan ng paraang pambatas, isasagawa ng pamahalaan ang mga hakbangin, para pangalagaan ang buhay at mga ari-arian ng mga mamamayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino