Groupe PSA, itatayo ang pagawaan ng kotse sa Malaysia

2018-02-27 11:11:08 CRI

Nilagdaan kahapon, Lunes, ika-26 ng Pebrero 2018, ng Groupe PSA ng Pransya at Naza Corporation Holdings ng Malaysia, ang kasunduan hinggil sa pagbuo ng isang joint venture at pagtatayo ng pabrika sa Kedah, Malaysia, bilang sentro ng paggawa ng kotse sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon sa kasunduan, gagawin sa pabrikang ito sa Malaysia at iba pang bansang ASEAN ang mga kotseng may tatlong tatak ng Groupe PSA na gaya ng Peugeot, Citroen at DS. Ang nakatakdang taunang output ay 50 libong kotse.

Ayon pa rin sa plano, isasaoperasyon sa katapusan ng taong ito ang naturang pabrika, at sisimulang ibenta ang mga produkto sa susunod na taon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino