Relasyon ng PDP-Laban at CPC, pinahihigpit

2018-02-28 16:53:32 CRI

Manila--Magkasamang itinaguyod dito Martes, ika-27 ng Pebrero, 2018 ng Partido Komunisa ng Tsina (CPC) at Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang aktibidad para ipakalat ang kaisipan ni Xi Jinping, "Xi Jinping Thought on Socialism with Chinese Characteristics for a New Era," at ipagdiwang ang ika-36 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng PDP-Laban.

Ang aktibidad na ito ay isa sa mga bunga ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang naghaharing partido ng Tsina at Pilipinas, sapul nang nilagdaan ng dalawang partido ang "Memorandum of Understanding on Strengthening Party–to-party Exchanges and Cooperation," noong ika-20 ng Pebrero, 2017.

Guo Yezhou, Puno ng delegasyon ng CPC at Pangalawang Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng CPC

Ipinahayag ni Guo Yezhou, Puno ng delegasyon ng CPC at Pangalawang Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng CPC, na ang PDP-Laban ay isang mahalagang puwersa sa Pilipinas at sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, natamo ang malaking progreso sa pag-unlad ng Pilipinas sa iba't ibang larangang gaya ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagpapanatili ng katatagan ng lipunan.

Sinabi pa niyang sapul nang lagdaan ng dalawang partido ang MOU, patuloy na lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan at antas.

Dahil dito, aniya pa, natamo ng kooperasyon at relasyon ng dalawang bansa ang mayamang bunga sa mga larangang gaya ng kabuhayan, negosyo, pamumuhunan, paglaban sa terorismo at droga, imprastruktura, teknolohiya, agrikultura at kultura.

(L-R) House Speaker Pantaleon Alvarez, Senate President Aquilino Pimentel III, at Pangalawang Ministro Guo Yezhou sa aktibidad

Ipinahayag naman ni Aquilino Pimentel III, Senate President ng Pilipinas at Presidente ng PDP-Laban, na sapul nang manungkulan si Pangulong Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng bansang ito, ipinatupad niya ang kanyang mga pangako bilang kandidato ng PDP-Laban sa halalang pampanguluhan.

Sinabi pa niyang, salamat sa independent foreign policy, ang Pilipinas ay "friend to all nations," at ito ay nakakabuti sa pambansang interes ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, nanatiling mainam ang relasyon ng Pilipinas at Amerika, at bumuti ang relasyon ng Pilipinas sa bansang ito sa ibang mga bansa, lalo na ng Tsina.

Aklat: Xi Jinping: The Governance of China II

Sa nasabing aktibidad, inihatid ng delegasyon ng CPC ang mga background information at nukleong kaalaman ng Pangulong Tsino. Samantala inialay sa PDP-Laban ng delegasyon ng CPC ang 600 libro na pinamagatang Xi Jinping: The Governance of China II.

House Speaker Pantaleon Alvarez, habang nagtatalumpati sa aktibidad

House Speaker Alvarez at Pangalawang Ministro Guo

Ipinahayag ni Pantaleon Alvarez, Ispiker ng House of Representatives ng Pilipinas at Pangkalahatang Kalihim ng PDP-Laban, na natutunan niya ang maraming magagandang karanasan ng CPC, lalo na sa pagpawi ng kahirapan.

Sinabi pa niyang mataimtim niyang babasahin ang librong ito para maunawaan at hanapin ang mga mahalagang karanasan at prinsipyo ng kaisipan ni Xi Jinping.

Sa pananatili ng delegasyon ng CPC sa Pilipinas, nakipagtagpo ito sa mga lider ng PDP-Laban, Nationalist People's Coalition at Nacionalista Party. Bukod dito, bibisita rin ito sa mga sangay ng PDP-Laban sa mga probinsya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino