Dalubhasang Thai, nakuha ang unang Liham ng Kumpirmasyon Bilang High-end Foreign Talents sa Yunnan

2018-03-02 15:45:08 CRI

Huwebes, Marso 1, 2018, nag-isyu ang Yunnan Provincial Administration of Foreign Experts Affairs ng unang Liham ng Kumpirmasyon Bilang High-end Foreign Talents sa dalubhasang Thai na si Metha Wanapat. Ito ay palatandaang pormal nang sinimulan ang sistema ng foreign talent visa sa nasabing lalawigan.

Ang Lalawigang Yunnan ay isa sa ika-2 pangkat ng mga lalawigan na nagsasagawa ng ganitong sistema. Batay sa nasabing liham ng kumpirmasyon, maaaring mag-apply ang mga high-end foreign talent na umaangkop sa mga pasubali, ng 5 hanggang 10 taong visa na magpahintulot ng paulit-ulit na pagpasok sa Tsina, at tumagal ng 180 araw sa loob ng Tsina bawat pagkakataon. Ang asawa at menor de edad na anak ng mga high-end foreign talent ay maaaring kumuha rin ng katugong uri ng visa na may katulad na panahon ng validity at pahintulot sa maraming beses na pagpasok sa bansa.

Si Metha Wanapat ay high-end foreign expert ng Academy of Grassland and Animal Science ng Lalawigang Yunan ng Tsina. Siya rin ay kilalang zoologist sa Asya.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino