Kasunduang pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa Chico River Pump Station Irrigation Project, nilagdaan

2018-03-09 13:36:55 CRI

Noong ika-8 ng Marso, 2018, nilagdaan ang Kasunduang pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa Chico River Pump Station Irrigation Project na nagkakahalaga ng mahigit 73 milyong dolyares.

Dumalo sa seremonya ng paglalagda sina Jin Yuan, Commercial Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas at Ricardo R. Visaya, Administrator ng National Irrigation Administration (NIA) .

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jin na ang paglalagda ng kasunduang ito ay nagpapakitang pinahahalagahan ng Tsina ang pangako at aktuwal na kumakatig sa plano ng "Build, Build, Build" ng Pilipinas. Umaasa aniya siyang magkakaroon ng mas maraming kooperayson ang dalawang panig.

Pinasalamatan ni Visaya ang pagkatig ng Tsina. Aniya, marami nang isinagawang kooperasyon ang NIA at panig Tisno, at nananalig siyang tiyak na matatapos ang konstruksyon ng proyekto na mas mataas na istandard.

salin:lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino