Unang cruise line ng Tsina na magtutungo sa Pilipinas at ibang 5 bansa ng Timog-silangang Asya, sinimulan sa Xiamen

2018-03-09 13:37:43 CRI

XIAMEN—Lumisan ika-8 ng Marso, 2018, ng Xiamen ang cruise ship "Costa NeoRomantica" na may lulang 1800 pasahero, at sinimulan ang 15-araw na biyaheng magtutungo sa Pilipinas, Malaysia, Brunei, Singapore, Kambodia, at Biyetnam.

Ito ang kauna-unahang cruise line ng Tsina na dadaong sa 6 na bansa ng Timog-silangang Asya. Inaasahang magiging regular ang linyang ito.

Napag-alaman, sa biyaheng ito, isasagawa rin ang mga aktibidad na gaya ng pagpapalitan ng sining at kultura, pagbisita sa mga pamantasan, at paglalakbay-suring pangkabuhayan at pangkalakalan para mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamayang Tsino at bansang ASEAN.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsisimula ng biyahe, ipinahayag ni Julius Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiamen na sa taong ito, mabilis na dumarami ang mga turistang patungong Pilipinas, at ang Pilipinas ay naging mahalagang port ng mga cruise ship. Maganda ang pagsisimula ang nasabing cruise line, at may mas maraming pagkakataong pangkooperasyon ang dalawang bansa.

salin: Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino