Pagbabalita at Komunikasyon sa mga wika ng Timog at Timog-silangang Asya, pasusulungin ng Yunnan Normal University

2018-03-12 13:51:58 CRI

Idinaos, ika-9 ng Marso, 2018, ang seremonya ng pagbubukas ng "International School of Journalism and Communication" ng Yunnan Normal University. Dito, ituturo sa mga estudyante ang paraan ng pagbabalita at komunikasyon sa pamamagitan wikang Tsino at mga wika ng mga bansa sa Timog Asya at Timog-silangang Asya.

Isinagawa na ng Yunnan Normal University ang mga plano sa magkakasanib na edukasyon ng mga estudyante, kasama ang mga pamantasan ng Thailand, Amerika, Australia, Ireland at iba pang bansa. Mula noong dekada 90, halos 20 libong dayuhang estudyante mula sa mahigit 80 bansa ang nag-aral dito. Sa kasalukuyan, mahigit 900 dayuhang estudyante ang nag-aaral sa nasabing unibersidad.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino