Kasunduan ng modernong Mahoso General Hospital na popondohan ng Tsina sa Laos, nilagdaan

2018-03-13 12:20:31 CRI

Nilagdaan Marso 9, 2018, sa tanggapan ng Ministri ng Kalusugan ng Laos ang kasunduan ng proyekto ng Mahoso General Hospital na poponduhan ng Tsina sa Laos.

Ayon sa kasunduan, itatatag ang isang bagong ospital na may 600 higaan at may laking 54,000 metro kuwadrado. Ang proyektong ito ay itinaguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, at isasagawa ang disenyo at pagpapatayo ng China Zhongyuan International Engineering Co.,Ltd.

Kapag matapos, ang nasabing ospital ay magiging isang general hospital na may pinamamabuting imprastruktura, pinakamaunlad na kagamitan, at pinakamaraming department ng medisina sa Laos.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino