Tsina, patataasin ang relasyon ng Tsina at ASEAN sa bagong panahon--Embahador ng Tsina sa ASEAN

2018-03-14 12:32:43 CRI

Sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) , na sa bagong panahon, ang ASEAN ay patuloy na ituturing ng Tsina bilang priority partner sa diplomasiya sa mga kapitbansa. Patuloy na magsisikap, aniya, kasama ng ASEAN ang Tsina, para lumikha ng estratehikong partnership at community of shared future sa mas mataas na lebel. Matatag na kakatigan ng Tsina, tulad ng dati, ang pagpapabuti ng Komunidad ng ASEAN, pagiging sentro ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon, at nang sa gayo'y, ito'y gumanap ng mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon.

Bumigkas si Huang ng talumpating pinamagatang "Magkakasamang Lumikha ng Relasyon ng Tsina at ASEAN sa Bagong Panahon" sa Sentro ng Pananaliksik ng Estratehiya at Isyung Pandaigdig ng Indonesya (CSIS) noong ika-13 ng Marso, 2018. Lumahok din ang mga dalubhasa ng think tank ng Indonesya, mga kinatawan mula sa sirkulo ng komersyo, media, at mga diplomata.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino