Pagpapalitan ng mga kabataan ng Tsina at mga bansang ASEAN, binuksan

2018-03-16 10:36:20 CRI

Binuksan Marso 15, 2018 ang Ika-13 Lancang-Mekong Youth Exchanges sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan, Tsina. Lumahok sa pagtitipon ang 66 na kabataan mula sa mga media at unibersidad ng Tsina, Thailand, Laos, Myanmar, Biyetnam at Kambodya. Ang tema ng kasalukuyang pagtitipon ay “Pagpapalakas ng Pagkakaibigan at Pagtitiwalaan-Hangarin at Responsibilidad ng mga Kabataan at Media.” Ang nasabing pagtitipon ay magkasamang inisponsor ng All-China Youth Federation, at Ministri ng Pag-unlad ng Lipunan at Seguridad ng Sangkatauhan ng Thailand. Idinaraos ang nasabing pagtitipon sa lalawigang Yunnan ng Tsina at Chiang Mai ng Thailand. Sa lalawigang Yunnan, ang komprehensibong kalagayan sa kasaysayan at kasalukuyang estado nito ang malalaman ng mga kalahok. Bukod dito, bibisita sila sa mga media sa lokalidad.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino