Unang freight train ng China Railway Express sa pagitan ng Chongqing at Hanoi, naisaoperasyon

2018-03-19 11:33:53 CRI

Naisaoperasyon kamakailan ang unang freight train ng China Railway Express sa pagitan ng Chongqing, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, at Hanoi, kabisera ng Biyetnam.

Ang naturang round-trip freight train ay naghatid ng mga makinarya, kasangkapan, hilaw na materyal na pang-industriya, at iba pa sa Biyetnam; samantala, inihatid din nito pabalik sa Tsina ang mga produktong agrikultural, produktong elektroniko, at iba pa.

Ang China Railway Express ay isang proyektong pangkooperasyon ng pagkakarga sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Sa hinaharap, bukod sa Biyetnam, makakaabot din ang naturang tren sa Thailand, Laos, Singapore, at ibang bansa, sa pamamagitan ng Pan-Asia Railway.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino