Summit ng ASEAN at Australia, ipininid

2018-03-19 11:42:44 CRI

Sydney, Australia-Ipininid Marso 18, 2018 ang dalawang araw na Summit ng ASEAN at Australia. Dumalo sa pagtitipon ang mga lider ng Australia at 10 bansang ASEAN. Bilang kinatawang Pilipino, dumalo sa summit si Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Ang pangunahing paksa ng summit ay hinggil sa pinahigpit na pagtutulungan sa larangang panseguridad at pangkabuhayan.

Nilagdaan sa summit ang “Memorandum of Understanding sa Magkasamang Paglaban sa Terorismo ng ASEAN at Australia.” Samantala, binigyang-diin ng mga kalahok ang pagpapahigpit ng kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan, at pagtutol sa proteksyonismo para pasulungin ang kabuhayan at kasaganaan ng rehiyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino