Pagtutulungan ng Tsina at Myanmar sa enerhiya, pinapahigpit

2018-03-19 11:44:44 CRI

Yangon, Myanmar-Idinaos Marso 17, 2018 ang seremonya ng inagurasyon ng Thaketa Gas-fired Combined Cycle Power Plant. Ang nasabing gas-fired power plant na magkasamang itinatag ng Tsina at Myanmar ay may pinakamataas na episyensiya at pinakamaliit na emisyon sa Myanmar.

Dumalo sa pagtitipong ito sina Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar; Kyaw Win, Ministro ng Pagpapaplano at Pananalapi ng Myanmar; at mga kinatawan mula sa dalawang panig.

Ipinahayag ni Kyaw Win na ang proyektong ito ay hindi lamang magpapasulong sa pambansang kabuhayan ng Myanmar, kundi ibayo pang magpapalakas sa tradisyonal na pagkakabigan ng Tsina at Myanmar.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino