Refugee na Myanmese na nasa Bangladesh, babalik sa Myanmar

2018-03-22 11:55:52 CRI

Ayon sa proklamasyong ipinalabas Marso 20, 2018 ng pamahalaan ng Myanmar, tatanggapin nito ang pagbalik ng mga refugee na taga-Rakhine, Myanmar na kasalukuyang nasa Bangladesh.

Ayon sa kauna-unahang listahan na may 8,032 refugees na isinumite ng Bangladesh, 556 sa kanila ang kumpirmadong tumira minsan sa loob ng teritoryo ng Myanmar. Kaugnay nito, ipinahayag ng pamahalaan ng Myanmar na handa nitong tanggapin ang pagbalik ng nasabing 556 refugees na Myanmese.

Pagkaraang maganap ang teroristikong pag-atake sa Rakhine State, Myanmar noong ika-25 ng Agosto, 2017, maraming mamamayan sa lokalidad ang tumakas tungo sa Bangladesh. Kaugnay nito, noong ika-23 ng Nobyembre 2017, nilagdaan ng Bangladesh at Myanmar ang kasunduan para tulungan ang mga Myanmese na bumalik sa inang bayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino