Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar, nagbitiw sa tungkulin, at posibleng maging bagong pangulo ng bansa

2018-03-22 12:12:43 CRI

Miyerkules, Marso 21, 2018, nagbitiw sa tungkulin bilang ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar si U Win Myint. Posible siyang humalili kay U Htin Kyaw, dating Pangulo ng bansa na nagbitiw rin sa tungkulin nang araw ring iyon.

Ayon sa impormasyong inilabas ng Tanggapan ng Pangulo kahapon ng umaga, nagbitiw sa tungkulin bilang pangulo ng bansa si U Htin Kyaw dahil sa problema sa kalusugan.

Ayon sa Konstitusyon, sa darating na 7 araw, pipiliin ng parliamento ang kapalit na kandidato, at sa panahong iyon, pansamantalang manunungkulan ang pangalawang pangulo na si U Myint Swe, bilang umaaktong pangulo.

Ang 66 taong gulang na si U Win Myint ay beteranong miyembro ng National League for Democracy. Nahalal siya bilang senador sa pambansang halalan noong 1990, pero hindi kinilala ng panig militar ang resulta ng halalan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino