25 milyong pisong tulong na agrikultural sa Pilipinas, ipagkakaloob ng Belgium

2018-03-23 11:21:44 CRI

Ipinahayag Huwebes, Marso 23, 2018, ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations (UN), na ang pamahalaan ng Belgium ay magkakaloob ng tulong na agrikultural na nagkakahalaga ng 25 milyong piso, sa pamamagitan ng nasabing organisasyon. Makikinabang sa nabanggit na tulong ang 4,949 na nagsasakang pamilya sa Marawi, Lanao del Sur at Maguindanao. Sa pamamagitan ng nasabing tulong, ipagkakaloob ng FAO ang punla ng bigas, mais, at gulay, pataba, kagamitan ng pagsasaka, panimulang gamit sa pagmamanukan at iba pa.

Layon ng nabanggit na tulong na bumalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon ang mga magsasakang apektado ng krisis sa Marawi na naganap mula Mayo hanggang Oktubre, 2017.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino