Bagong Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar, inihalal

2018-03-23 12:36:34 CRI

Marso 22, 2018 Nay Pyi Daw, inihalal si Ginoong Ti Khun Myat bilang bagong ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar. Bago rito, nanungkulan siya bilang deputy Speaker.

Nauna rito, ipinatalastas Marso 21, 2018 ng Palasyong Pampanguluhan ng Myanmar ang pagbibitiw sa tungkulin ni Pangulong Htin Kyaw dahil sa usaping pangkalusugan.

Nang araw ring iyon, ipinatalastas ang pagbibitiw sa tungkulin ni Win Myint, dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar.

Ayon sa regulasyong panghalalan ng Myanmar, dapat ihalal ng Parliamento ang bagong pangulo sa loob ng 7 working days, mula ika-21 ng Marso. Pero, bago rito, dapat maihalal ang bagong ispiker ng Mababang Kapulungan para simulan ang halalang pampanguluhan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino