Ika-6 na Summit ng Greater Mekong Subregion Economic Cooperation, idinaos

2018-03-29 15:57:51

Hanoi, Biyetnam - Mula Marso 29 hanggang 31, 2018, idaraos ang Ika-6 na Summit ng Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Cooperation. Dadalo rito ang mga lider mula sa Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, Biyetnam, mga kinatawan ng Asian Development (ADB), World Bank (WB), Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at iba pang mga organo.

Tema ng nasabing pulong ang "Pagpapatingkad ng Bisang Pangkooperasyon sa 25 Taon, Pagtatatag ng Sustenable, Nagkakaisa, at Masaganang GMS." Gaganapin ang mga aktibidad sa panahon ng summit. Tinataya ring pagtitibayin ang mga dokumentong tulad ng "Plano ng Aksyon ng Hanoi mula 2018 hanggang 2022" at "Balangkas ng Pamumuhunang Rehiyonal sa 2022."

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino