Dalubhasang Pilipino: Ang trade protectionism ng Amerika ay nakapinsala sa karapatan at kapakanan ng ibang mga bansa

2018-03-30 11:05:24 CRI

Manila—Kaugnay ng pag-anunsyo ng Amerika ng pagpataw ng mas maraming taripa sa mga produktong Tsino at paglimita sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa bansang ito, sinabi ni George T. Siy, Chairman ng Trade and Industry Committee ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII) at Founder ng Integrated Development Studies Institutes ng Pilipinas, na noong dati, iginiit ng Amerika ang malayang kalakalan at pagbubukas ng mga bansa ng kanilang pamilihan sa labas, pero ngayon itinakwil ng bansang ito ang ganitong paninindigan at bilateral na isinagawa ang trade protectionism. Ito aniya ay di-pantay na pagturing sa ibang mga bansa.

Sinabi pa ni Siy sa eksklusibong panayam ng China Radio International, na ang kasalukuyang problema ng Amerika sa kalakalan at kabuhayan ay nagmula sa paglaan ng bansang ito ng malaking budget sa larangang militar, sa halip ng pagpapabuti ng kondisyon ng imprastruktura at pagbibigay-tulong sa kanilang bahay-kalakal sa pagpoprodyus ng mga murang produkto. Ito aniya ay walang kinalaman sa ibang mga bansa.

Kaugnay ng kasalukuyang hidwaang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, sinabi ni Siy na ito ay nagdulot ng negatibong epekto sa larangang pinansiyal. Sinabi pa niyang kung patuloy na igigiit ng Amerika ang trade protectionism, ito ay magdudulot ng pagkabahala ng mas maraming bansa at pagsasagawa ng katulad na katugong hakbangin.

Ipinalalagay ni Siy na ang kasalukuyang trade relations ng Tsina at Pilipinas ay nagdulot ng mga aktuwal na kapakanan sa mga Pilipino at Tsino. Sinabi niyang ang mga murang produktong Tsino na gaya ng mga mobile phones ay nagbababa ng gastusin ng pamumuhay ng mga Pilipino; kasabay nito, ang mga mamamayang Tsino ay nakapagtamasa ng mga magagandang produktong Pilipino na gaya ng mga agrikulturang produkto, manufacturing products at electronics.

Sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Ayon sa datos ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, noong taong 2017, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng dalawang bansa ay umabot sa US51.2 bilyong dolyares na lumaki ng 8.5% kumpara sa taong 2017.

Kaugnay nito, ipinalalagay ni Siy na ang isang hamon na kinakaharap ng kalakalan ng dalawang bansa ay maliit ang production capacity ng Pilipinas na hindi kayang magprodyus ng sapat na produkto para sa pangangailangan ng pamilihang Tsino.

Sinabi pa niyang mayaman ang lakas-manggagawa ng Pilipinas at mababa ang gastusin ng produksyon, kaya kung ililipat ng Tsina ang mga industriya sa Pilipinas, ito ay magdudulot ng mutuwal na benepisyo sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ulat: Ernest

Larawan: Ernest

Pulido:Mac/Jade

Web-editor: Wang Le

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino