Pulong ng mga Lider ng GMS, idinaos; mga dokumento, pinagtibay

2018-04-02 10:56:40

Hanoi, Biyetnam - Ipininid nitong Sabado, Marso 31, 2018, ang Ika-6 na Pulong ng mga Lider ng Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Cooperation. Pinagtibay sa pulong ang maraming dokumentong kinabibilangan ng "Balangkas ng Pamumuhunang Panrehiyon sa 2022" at iba pa.

Kabilang sa nasabing dokumento ay 227 investment at technical assistance project na nagkakahalaga ng halos 66 na bilyong dolyares.

Ang tema ng nasabing pulong ay "Pagpapatingkad ng Bisang Pangkooperasyon sa 25 Taon, Pagtatatag ng Sustenable, Nagkakaisa, at Masaganang GMS." Ito'y dinaluhan ng mga lider mula Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, at mga kinatawan ng Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB), Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at iba pang organo.

Ayon sa ulat, ang susunod na GMS Economic Cooperation Leaders' Meeting ay gaganapin sa Cambodia sa 2021.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino