Proyekto ng daambakal na magkasamang itinatayo ng Tsina't Malaysia sa Estado ng Johor, pormal na sinimulan

2018-04-04 12:54:23 CRI

Martes, Abril 3, 2018, pormal na sinimulan sa Segamat, Estado ng Johor sa katimugan ng Malaysia ang proyekto ng daambakal na magkasamang itinatayo ng Tsina at Malaysia. Dumalo sa seremonya ng pagsisimula sina Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia at Ning Jizhe, Pangalawang Ministro ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina.

Ipinahayag ni Najib na mahalagang mahalaga ang katuturan ng pagsasagawa ng nasabing proyekto. Malaking maisusulong nito ang pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyon sa kahabaan ng daambakal, at makakalikha ng mas maraming hanap-buhay, aniya pa. Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, ibayo pa aniyang lalakas ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Malaysia.

Sinabi naman ni Ning na bilang isang mahalagang proyekto ng kooperasyon sa imprastruktura ng dalawang bansa, maraming bahay-kalakal at mga mamamayang lokal ng Malaysia ang sasali sa konstruksyon ng nasabing daambakal. Samantala, sa proseso ng konstruksyon, makikinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa sa modernong teknolohiya na ginagamit ng mga bahay-kalakal na Tsino.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino