Kauna-unahang MoU sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip, nilagdaan ng Tsina't Laos

2018-04-04 12:41:36 CRI

Vientiane, Laos--Nilagdaan ng State Intellectual Property Office (SIPO) ng Tsina at Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Laos ang kauna-unahang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa Pagtutulungan sa Karapatan ng Pagmamay-ari ng Likhang-isip (IPR) ng Tsina at Laos.

Sa ngalan ng dalawang bansa, lumagda sa MoU sina Shen Changyu, SIPO Commissioner at Houmphan Inthirath, Pangalawang Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Laos , Lunes, Abril 2, 2018.

 Seremonya ng paglalagda, Vientiane, Laos, Abril 2, 2018. (CRI)

Layon ng MoU na pahigpitin ang kooperayon sa IPR, paginhawahin ang mga magkasanib na proyekto ng inobasyon at pagkamalikhain, at payamanin ang bilateral na komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Batay sa MoU, kikilanlin ng pamahalaang Lao ang resulta ng pagsusuri sa mga patente ng Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino