Panukalang batas sa paglaban sa huwad na balita, pinagtibay ng mababang kapulungan ng Malaysia

2018-04-04 12:55:21 CRI

Sa gitna ng matinding pagtutol ng partido oposisyon at tagalabas, pinagtibay kamakilan ng mababang kapulungan ng Malaysia ang panukalang batas sa paglaban sa huwad na balita.

Ayon sa paliwanag ng nasabing panukalang batas, ang huwad na balita ay tumutukoy sa anumang peke o anumang balita, impormasyon, data at ulat na naglalaman ng anumang pekeng bahagi, na kinabibilangan ng mga titik, litrato, audio, o anumang ibang porma na maaaring magpahayag ng salita o ideya.

Ipinaliwanag din ng panukalang batas na ang sinumang lilikha, magpapalaganap, at mag-she-share ng huwad na balita, o maglalathala ng anumang magasing may huwad na balita ay papatawan ng 6 na taong pagkabilanggo at di-lalampas sa 500,000 Ringgit na multa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino